Angeline Quinto, nanganak na!

Angeline Quinto, nanganak na!

April 29, 2022 @ 3:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isa nang ganap na ina si Angeline Quinto!

Matagumpay na nairaos ng singer ang kanyang panganganak dakong 10:22 ng gabi nitong April 27, Miyerkoles.

Ilang sandali bago isilang ang kanyang sanggol by her non-showbiz boyfriend, ipinost ni Angeline ang mga katagang “ready to pop” na nakasulat sa kanyang tiyan.

Sylvio ang ibinigay na pangalan ni Angeline sa baby, na kuha sa pangalan ng kanyang yumaong adoptive mother na si Sylvia o Mommy Bob.

Matatandaang kinumpirma  ni Angeline ang kanyang pagbubuntis sa panayam ni Boy Abunda.

Sa vlog naman ni Vice Ganda inamin ng singer na nagdesisyon silang mag- live in ng nobyo nang malamang buntis siya.

Malaki ang naitulong ng nobyo niya para malampasan ang pagkamatay ni Mommy Bob.

Hindi napigilang malungkot ni Angeline dahil hindi nasaksihan ng itinuring niyang ina ang kanyang panganganak. Ronnie Carrasco III