Angeline, umaming sinasagad ang Gcash ng jowa!

Angeline, umaming sinasagad ang Gcash ng jowa!

May 23, 2022 @ 11:52 AM 1 month ago


Manila, Philippines – It took a while bago ipakita sa publiko ni Angeline Quinto ang ama ng kanyang anak.

On her YouTube channel, lumantad na si Nonrev, ang ama ng kanilang anak na si Baby Sylvio.

This time around, maririnig na rin ang boses ni Non.

Aminado siyang hindi sanay to go public although he shared part of his past.

Dalawang anak na babae ang meron siya sa nakarelasyon niya, at babae uli sa sumunod.

Aĺl in all, he has three daughters plus ‘yung sa kanila ni Angeline.

Buti’t iniharap na siya ni Angeline para matigil na ang tsikang playboy ito, and worse, ginagatasan siya.

Ang totoo, ayon sa singer-actress ay siya pa nga raw ang nakakaubos ng Gcash nito.

Hindi malinaw kung ano’ng trabaho ni Non, pero ayon kay Angeline ay napakasipag daw nito.

Itsurang tanghaling tapat ay nagde-deliver daw ito ng pabango.

Nag-aahente, what else? Ronnie Carrasco III