Angge, to the rescue kay Bea!

Angge, to the rescue kay Bea!

July 9, 2021 @ 7:37 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Mula nang lumipat si Bea Alonzo sa GMA7 ay bina-bash na siya ng mga netizen. Sabi nila, wala raw utang na loob si Bea dahil iniwan niya ang ABS CBN na nagpasikat at nagpayaman sa kanya.

To the rescue naman kay Bea ang kaibigan niyang si Anglica Panganiban. Ipinagtanggol nito si Bea sa mga bashers. Pero dahil sa pagtatanggol niya kay Bea ay nag-1+1 ang mga netizen.

Sabi nila, siguro raw ay susunod nang lilipat si Angge sa Kapuso network kaya ganoon na lang daw ang pagtatanggol nito sa ka- lovetem ni John Lloyd Cruz. Naku, ang mga netizen, kung makapag- isip sila akala nila ay tama sila.

Sa tingin namin ay wala namang balak si Angelica na sundan si Bea sa GMA7. Nu’ng ma-interview kasi siya noon sa presscon ng defunct series niya sa ABS CBN na Walang Hanggang  Paalam ay sinabi niya na huling serye na niya ito. Hindi na raw siya gagawa ng serye.

Pero hindi naman daw nangangahulugan na iiwan na niya ang ABS CBN.

Sa tingin namin ay may palabra- de-honor si Angge kaya mananatili  siya sa ABS CBN 2. Rommel Placente