Anggulong murder sa pagkamatay ng ‘middleman’ sa Percy Lapid slay, sinisilip ng DOJ

Anggulong murder sa pagkamatay ng ‘middleman’ sa Percy Lapid slay, sinisilip ng DOJ

October 27, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes na iniimbestigahan nito ang anggulong murder sa pagkamatay ni Jun Villamor, itinuturong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla issued sa isang ambush interviewnang tanungin hinggil sa persons of interest sa ilalim ng kustodiya ng DOJ.

“I cannot reveal that first. ‘Wag na muna nating pagusapan itong mga taong ito. Basta we’re trying to be thorough with the investigation. Some of them were named in the dying declaration of Jun Villamor,” giit ni Remulla.

“The rest are tips given to us by other informants about being involved inside what transpired. Kaya we’re being thorough about it. Kasi nga, we’re not talking about one murder case na lang dito… the Jun Villamor case may be a possible murder case too. Kaya we’re also investigating that,” patuloy ng kalihim.

Samantala, inulit ni Remulla na maigting ang imbestigasyon nila sa kaso nang tanungin ukol sa  pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya kumbinsidong namatay si Villamor dahil sa natural causes.

Batay sa inisyal na resulta mula sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation, nagkaroon si Villlamor ng hemorrhage sa puso. Batay din sa autopsy found, “no apparent sign of external physical injury.”

“That’s why we’re being thorough. Kaya nga marami tayong kinakausap,” aniya.

Pinaslang si Lapid sa pamamaril habang pauwi sa kanyang tahanan sa Las Piñas City noong OKtubre 3.

Naghain na ng kaso laban sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at mga kasabwat na sina Israel Dimaculangan, Edmund Dimaculangan, at isang nangngangalang Orly.

Samantala, inihayad ni Remulla na titiyakin ng DOJ ang seguridad ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid.

“Yes, I talked to Roy. The police are guarding the house in Las Piñas. Laging dinadaanan ng pulis pero I talked to Roy, I’m working out his security now. And we’ll give him security. I just talked to him last night,” paglalahad niya.

Gayundin, naiulat na nagsasagawa ang mga pulis ng forensic examination sa cellphones ng self-confessed gunman na si Escorial at sa kapati ng umano’y middleman.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Martes na naisumite na ang mga cellphone sa PNP’s Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

“Doon sa mga cellphones na ginamit po ng ating self-confessed gunman na ngayon ay nai-submit na natin sa PNP-ACG as well as po ‘yung cellphone na ginamit ng kapatid ng middleman ay na-forensic exam na po ng ACG,” aniya.

Ayon kay Fajardo, pwedeng pagtagpi-tagpiin ang recorded conversations sa pagitan ng persons of interest at sa bank transactions kaugnay ng pagpatay kay Lapid.

Sinabi pa niya na nagsasagwa na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng financial investigation sa  bank account ni Joel Escorial, ang self-confessed gunman na nasa ilalim na ng police custody.

Maghahain umano ang PNP ng petisyon sa korte upang masuri ng mga imbestigador ang iba pang bank accounts na nakipagtransaksyon kay Escorial. RNT/SA