Angkan na senglot nag-amok: Pintor binolo, lawit ang baga; obrero biyak-bungo sa Bulacan

Angkan na senglot nag-amok: Pintor binolo, lawit ang baga; obrero biyak-bungo sa Bulacan

March 5, 2021 @ 1:15 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

BULACAN – Nasa ktitikal na kondisyon ang isang 40-anyos na pintor habang sugatan ang pamangkin na construction worker matapos mag-amok at pagtatagain ng mga magkakamag-anak na lasing sa Bustos, ng lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang magtiyuhin na sina Jonathan Mabanta, 25, binata, construction worker at Percibal Mabanta, 40, pintor, kapwa residente ng Brgy. Poblacion.

Naaresto naman ang isa sa apat na suspek na si Michael Morelos, 47, habang nakatakas ang tatlo kaanak na sina Marlon Morelos, Aaron Morelos at Marwin Morelos.

Sa report ng Bustos Police, nangyari ang insidente ng pananaga ng bolo ng mga suspek, bandang 9:30 ng gabi sa Brgy. Poblacion, Marso 3.

Ayon sa salaysay sa pulisya ng biktimang si Jonathan, nasa loob siya ng bahay habang nagluluto ng hapunan nang marinig niya ang amang si Joseph na sumigaw ng “Hoy magdahan-dahan kayo, ‘yung bata masasagasaan n’yo na, para kayong nang-aasar at pabalik-balik kayo!”

Nakasama umanong pumigil at umawat sa mga suspek ang biktimang si Percibal.

Nagalit ang mga suspek na nagsabing “Kanina ka pa, hindi naman ikaw ang sinisita namin?” hangggang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ayon sa saksing si Vanessa Garcia, napagbalingan lamang ng mga suspek ang mga biktima matapos mapagsabihan at awatin ni Joseph, ama ni Jonathan, na pabalik-balik at haging makabangga ng bata dahil sa niresbakang mga kaaway sa lugar.

Kuwento pa niya, noong bumalik bandang 8:00 p.m ang mga suspek, nakita niyang tumataga sa mga biktima ay ang mag-amang Morelos na ang isa rito ay kapatid ng naarestong si Michael.

Kuwento naman ni Kapitan Chito Hernandez, habang nasa barangay ay nakita niyang may isang nanghahabol ng taga.

Agad silang rumesponde kaya nahuli nila ang nanghahabol ng patalim at may dalang asero na si Michael Morelos.

Dahil dito, nalaman nilang kritikal na pala ang kalagayan ng biktimang si Percibal habang sugatan na rin si Jonathan sa pananaga ng mga suspek.

Aniya, unang tinadtad ng taga ng mga suspek ay itong si Percibal na nagpabiyak sa kanyang ulo, nawawak ang likod na halos lumitaw ang baga at iba pang sugat sa katawan.

Hindi niya masabi kung ligtas na ang biktimang ito na kasalukuyang nasa pagamutan.

Samantalang si Jonathan ay nakauwi na ng bahay matapos magtamo ng sugat sa likod at ulo.

Patuloy ang follow up operation ng pulisya para madakip ang mga nag-amok na suspek. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •