Angkas na tutulog-tulog nahulog, sugatan

Angkas na tutulog-tulog nahulog, sugatan

January 12, 2023 @ 10:57 AM 2 weeks ago


ILOCOS SUR-Sugatan ang isang 35-anyos na lalaki matapos na makatulog at mahulog mula sa motorsiklong minamaneho ng kasama nito sa Brgy. Dinalaoan, Narvacan ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ang biktima na si Jomar Cabreray Antonio, walang asawa, residente ng Brgy. Orence ng naturang bayan.

Ang driver ng motorsiklo ay nakilala naman na si Jomerick Guillermo, 18, walang asawa, kalugar ng biktima.

Nabatid na ang Honda TMX motorcycle na sinasakyan ng dalawa ay patungong hilagang direksyon sa barangay road ng naturang lugar.

Ayon sa driver, biglang nahulog sa kalsada ang biktima matapos itong makatulog at mawalan ng balanse.

Ang biktima ay agad na dinala sa ospital ng mga rumespondeng miyembro ng Narvacan Municipal Police Station. Rolando S. Gamoso