Angkas todas, isa pa todas sa trailer truck

Angkas todas, isa pa todas sa trailer truck

January 17, 2022 @ 2:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isang babae na back-rider nang mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng trailer truck  sa kahabaan ng southbound lane ng  Taft Avenue corner Pedro Gil Street, Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jennifer Bulong y’ Naorbe, 45 at nakatira sa 43 Sta Maria St. Brgy. Holy Spirit Quezon City.

Sugatan naman ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Nonie Luig Delelamon, lalaki , nasa hustong gulang, at residente sa  nasabi ring lugar.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng southbound lane ng Taft Avenue gayundin ang Hyundai Tractor Head na may trailer at plate number NBS 6908.

Pagsapit sa kanto ng  Pedro Gil St. bumangga ang kaliwang bahagi ng motorsiklo sa kanang bahagi naman ng trailer na minamaneho ni Randy Villadarez ng 471 Moronquillo San Rafael.

Dahil sa nangyaring banggaan, tumilapon ng ilang metro ang mga biktima sa kalsada.

Agad silang isinugot aa PGH hospital dahil sa tinamong mga sugat pero idineklarang dead on arrival ang backrider .

Ang suspek ay hawak na ngayon ng MDTEU at ipaghaharap ng kasong

Homicide with Physical injury at damage to property. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)