Angkas, umarangkada ng suporta sa Sinulog

Angkas, umarangkada ng suporta sa Sinulog

January 15, 2023 @ 9:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ramdam na ramdam ng mga Cebuano ang pagmamahal na pinamalas ng Angkas sa mga Cebuano sa Sinulog.

Bukod sa todo-suporta na binigay ng Angkas sa Sinulog Festival sa Cebu mula sa kick-off ng taunang pagdiriwang, nagbigay ito ng libreng sakay sa mga deboto ngayong araw ng Linggo.

Makikita din ang napaka-gandang float nito na lalong nagbigay kulay sa parada ngayong araw.

“Maayos at ligtas na transportasyon sa Moto Taxi (MT) ay magiging malaking tulong sa ekonomiya. Patuloy po tayo tutulong sa pag-unlad ng Cebu,” pahayag ni Angkas CEO George Royeca.

Ang Angkas ang official partner at moto Taxi sa ginanap na Sinulog Festival ngayong taon makalipas ang dalawang taong pandemya.

Ang Angkas ang pinaka-paboritong transportasyon ngayon sa Cebu lalo na sa kamaynilaan.

“Ligtas ang aming pakiramdam sa Angkas. Mahuhusay, magalang at professional ang mga drivers bukod pa sa mura,” patotoo ni Art, isang deboto mula sa Manila. RNT