Anibersaryo ng Ampatuan massacre, ginunita ng NPC

Anibersaryo ng Ampatuan massacre, ginunita ng NPC

November 23, 2022 @ 7:04 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ginunita ngayong araw, Nobyemre 23 ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang ika-13 taong anibersaryo ng Ampatuan Massacre.

Ang aktibidad ay sinimulan ng banal na misa ala-4 ng hapon ni Fr. Asis Bajao ng San Agustin Church bago ang pagbabasbas at pagtitirik ng kandila kasunod ng pag-aalay ng bulaklak sa marker na itinayo sa bakuran ng NPC na sumisimbolo sa katapangan ng 32 mamamahayag na pinagpapatay sa Maguindanao.

Nakiisa rin sa aktibidad ang iba pang miyembro ng media mula sa iba’t-ibang organisasyon.

Matatandaang Nobyembre 23, 2009 nang mangyari ang madugong pananambang sa convoy ng mga sasakyan ng mga Ampatuan na noo’y kasagsagan ng election period para maghain ng certificate of candidacy para kay Esmael Mangudadatu.

Nasa 58 indibidwal ang namatay kabilang ang 32 miyembro ng media.

Matapos ang pananambang, ang mga biktima ay ibinaon sa malaking hukay kasama ng mga sasakyan

Ayon kay NPC President Lydia Bueno, magpapatuloy pa rin ang kanilang pagpupursige para sa kapakanan ng mga miyembro ng media. Jocelyn Tabangcura-Domenden