Anim na komite binuo sa bicam upang mapadali ang paghimay sa BBL

Anim na komite binuo sa bicam upang mapadali ang paghimay sa BBL

July 10, 2018 @ 12:58 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Upang mapadali ang paghimay sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ay lumikha ng anim na sub-committee ang bicameral conference committee.

Ang mga komite ay ang Article V Powers of Government, Article XII Taxes and Fiscal Matters, Article XI Public Order and National Security, Article X Justice System-Shari’ah, Article III at Article XV Territory and Plebiscite at Article VII na naglalaman ng Parliament.

Sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na ang paghimay sa BBL na nagsimula noong Lunes, July 9, ay pipiliting matapos sa July 13, Biyernes sa Crowne Hotel sa Ortigas, Pasig City.

“The subcommittees will meet at 9:00 in the morning to thresh out remaining conflicting provisions, ang committee proper will meet at 11:00 in the morning to receive their reports.”

Target ng bicameral conference committee na binubuo ng ilang bilang ng mga kongresista at mga senador na matapos hanggang Biyernes ang paghimay sa BBL upang ito ay maplantsa at maibalik sa dalawang Kamara at maratpikahan ng dalawang kapulungan sa umaga ng July 23 SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung ito ay malalagdaan at mararatpika sa sesyon ng Senado at Kamara sa July 23 ay malalagdaan ito ng pangulo bago ang SONA sa hapon. (Meliza Maluntag)