Anim na nag-iinuman, niratrat ng tatlong suspek, dalawa patay

Anim na nag-iinuman, niratrat ng tatlong suspek, dalawa patay

July 8, 2018 @ 3:08 PM 4 years ago


 

Malabon City – Utas agad  ang dalawa indibidwal kabilang ang isang 18-anyos na estudyante matapos itong pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin  sa loob ng tindahan habang nag-iinuman ang anim na magkakaibigan kagabi  (July 7) sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Sr. Supt. Harry Espela  ang mga nasawi na sina  Jobert Cabigao, 31 at si  Jhan Cyril Ignacio, studyante , pawang residente ng  Florida Street, Brgy. Acaciam na namatay agad mismo sa pinangyarihan  sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang nga biktima kasama sina John Carlo Pulvera, Jefferson Verzosa, 35, Bryan Fuentes, 22 at si Daizy Verzosa, 34  ay masayang nag-iinuman pasado alas -8:30  ng gabi sa loob ng sari-sari store sa  kahabaan ng Rivera St. Brgy, Tinajeros, kung saan tatlong armadong suspek isa rito ay babae ay dumating sakay ng isang motorsiklo at ipinarking  sa tapat ng nasabing tindahan

Agad na pumasok ang mga suspek sa nasabing tindahan at walang sabi-sabi na pinagbabaril ang anim na nag iinuman kung saan agad napuruan ang  dalawang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo.

Matapos ang pamamaril ang mga suspek agad lumabas sa tindahan at  mabilis na tumakas sakay ng  kanilang gateaway motorsiklo  patungong Brgy. Maysilo.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga tauhana ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)  ng apat  empty shells at  tatlong slugs ng kalibre 45 pistol  na agad na dinala sa PNP Crime Laboratory  para sa ballistic examination.

Ayon kay Insp. Paul Dennis Javier, hepe ng Malabon Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB)  patuloy ang kanilang isinasagawang follow-up operation para sa posibleng makilala at maaresto ang mga salarin at malaman ang tunay na motibo sa nasabing insidente. (Roger Panizal)