Anim na sasakyan, inararo ng lasing na driver

Anim na sasakyan, inararo ng lasing na driver

July 21, 2018 @ 9:25 AM 4 years ago


Quezon City – Inararo ng isang silver Starex van ang anim na sasakyang nakaparada sa gilid ng Eugenio Lopez Drive kaninang madaling araw (July 21).

Ayon sa mga may-ari ng sasakyan, nag-park lang sila sa kalapit na establisimyento para kumain sana nang tawagin ang pansin nila dahil nawasak na ang kanilang mga sasakyan.

May isang testigo ang nakakita sa pagharurot ng van kaya agad itong nahuli ng mga awtoridad na nakaposte sa lugar pagdating ng suspek sa Quezon Ave.

Dito na napag-alaman na lasing pala ang driver pero paliwanag nito nawala ang gulong sa harapang bahagi ng kaniyang sasakyan.

Dagdag pa nito pa niya na iligal na nakaparada ang mga inararong sasakyan at handa niya pa itong sampahan ng kasong illegal parking.

Bahagya namang nagdulot ng katamtamang bigat ng daloy ng trapiko ang aksidente habang dinala na sa Quezon City Traffic Sector 4 ang drayber ng van para imbestigahan. (Remate News Team)