Animam binitiwan ng Radnicki

Animam binitiwan ng Radnicki

December 13, 2021 @ 10:10 AM 10 months ago


MANILA, Philippines — Pormal nang binitiwan ng Serbian club na Radnicki  Kragujevac si Pinay import Jack Animam dahil umano sa malalang injury.

Inanunsiyo kahapon ng koponan na binitiwan na nila si Animam dahil sa nagkaroon ito ng injury at kailangan nilang magpalit ng import.

Ayon pa sa squad, nakatakdang bumalik sa Animam sa United States at pinasalamatan nito ang Pinay sa maigsi pero solido nitong kampanya sa First Women’s Basketball League ng Serbia.

“Thanks to Jack for everything she has done in this short time, she was one of the most important players in the senior team,” ani Radnicki club.

Matatandaang ilang beses na hindi pinaglaro si Animam sa koponan na naging sanhi ng pagkalugmok ng team

Hindi naman agad sinabi ng Radnicki kung ano ang nangyari at hindi pinaglalaro si Animam hanggang ibalita na binibitiwan na nila ang Pinay at pinababalik na ito sa US dahil sa injury.JC