Anjo, may kondisyon sa pakikipagbati kay Jomari!

Anjo, may kondisyon sa pakikipagbati kay Jomari!

January 14, 2023 @ 9:15 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Kinalimutan na ni Anjo Yllana ang “atraso” sa kanya ng nakababatang kapatid na si Jomari.

Matatandaang election season noong isang taon nang makaalitan ni Anjo ang kapatid.

Ito ang dahilan kung bakit kinailangang i-withdraw ni Anjo ang kanyang kandidatura sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Inaakusahan ni Anjo ang kapatid na umano’y nambulsa ng kanyang campaign funds.

Bale ba, in cahoots daw o kakuntsaba ni Jomari ang binalikang nobyang si Abby Viduya.

Itinanggi naman ni Jomari ang paratang ng kanyang kuya.

Bagama’t matagal nang tapos ang eleksyon ay hindi pa raw nagkakaayos ang magkapatid.

But as far as Anjo is concerned, lipas na raw ‘yon.

Kaya na raw niyang harapin si Jomari at tuluyang kalimutan ang namagitang gusot sa kanila.

However, may ibinigay na kundisyon si Anjo.

The conciliatory gesture daw has to come from Jomari since panganay siya.

If ever humingi raw ng sorry si Jomari ay buong puso niyang tatanggapin ito.

“Hindi ko naman siya gugulpihin, eh. Tapos na ‘yon, nakalimutan ko na ‘yon, basta siya ang dapat mag-initiate ng move,” malinaw na reglamento ni Anjo.

Hindi naman daw sa panunumbat ay kailangan daw tingnan ni Jomari ang sakripisyo niya noong nagkasakit ang kanilang ama.

“I took care of them. Pinag-aral ko si Jomari, tinulungan ko rin siyang makapasok sa showbiz. Kumbaga, ako naman ang pagbigyan niya,” dagdag pa ni Anjo.

On the part of Jomari, magandang ideya siguro kung padadalhan niya si Anjo ng imbitasyon sa nalalapit na kasal nila ni Abby.

That is going to be Jomari’s chance to kiss and make up with his elder brother. Ronnie Carrasco III