Anjo, na-miss si Janno!

Anjo, na-miss si Janno!

January 26, 2023 @ 11:02 AM 5 days ago


Manila, Philippines – Aminado si Anjo Yllana na na-miss niya ang kanyang kasamahan sa trabaho at kaibigang si Janno Gibbs.

FYI ay nagkasama sina Anjo at Janno sa Eat Bulaga sa GMA 7 bilang mga co-hosts at sa Happy Time sa Net25. Nawala si Janno sa Happy Time dahil sa problema sa isa oang co-host, kay Kitakat, kaya matagal-tagal din silang hindi nagkita ni Anjo.

Ngunit ngayon ay magkasama ulit sila sa isang pelikula titled Hello Universe.

“Siyempre, mahal ko ‘yang si Janno. Hindi man kami laging nagkikita niyan, e, hindi naman nawawala ang froendship naming dalawa.

“Kung minsan, e, nagkakaroon ng onting problema o tampuhan pero normal kang naman ‘yun sa magkakaibigan.

“Sana nga, e, magkaroon pa kaminng maraming projects na pagsasamahan ni Janno,” sabi pa ni Anjo.

Hindi pa rin nagbago ang comic timing sa pelikula nina Anjo at Janno. Hindi masyadong pilit kaya hindi TH ang dating.

Palabas na ang Hello Universe sa mga cinemas near you. Kasama rin nina Anjo at Janno sa Hello Universe sina Benjie Paras, Gene Padilla at Sunshine Guimary, directed by Xian Lim. JP Ignacio