Annabelle, alaskado kay Ruffa!

Annabelle, alaskado kay Ruffa!

August 11, 2022 @ 9:22 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hanggang Cebu nakarating ang pelikulang Maid in Malacanang.

Doon ginanap ang presscon at premiere night nito.

Siyempre, ilan sa mga cast members ng MIM ay naglaan ng panahon to grace the event.

Naroon ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, Karla Estrada, Ruffa Gutierrez, direk Darryl Yap, among others.

Guess kung sino pa ang sumama. Walang iba kundi si Annabelle Rama!

Hindi tuloy nakaligtas ang feisty showbiz mother sa pang-aalaska ng anak!

Panay ang tanong ni Ruffa kung nasa cast din ba ang ina.

But lest the public forget, Annabelle traces her roots to Cebu.

Madalas siyang umuwi sa binansagang Queen City of the South dahil may mga kamag-anak siya roon.

Ang nakakatuwa ay ang mag-amang Cesar at Diego.

Kahit off cam, Cesar addresses Ruffa as “my First Lady,” samantalang mommy naman ang tawag ni Diego sa aktres. Ronnie Carrasco III