Anne at Erwan, caught in the act ng anak!

Anne at Erwan, caught in the act ng anak!

July 11, 2022 @ 1:43 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Viral ang video kung saan habang ine-enjoy ni Dahlia ang kanyang ice cream ay bigla itong natigilan.

Looking intently at her parents Erwan Heussaff and Anne Curtis, walang kamali-malisyang tanong niya: “Ma, pa…what are you doing?”

Agad nag-conclude ang mga netizens na baka nahuli ni Dahlia na nagla-loving-loving ang kanyang mga magulang.

Siyempre, karaniwan na sa mga bata na mausyoso at matanong pag naku-curious.

Pero hindi naman siguro prelude to sex ang nasaksihan ng bagets.

Perhaps nakyutan lang ang mag-asawa sa kabibuhan ng kanilang anak.

This early kasi ay kinakikitaan na ng maraming skills si Dahlia, one of which ay ang pagluluto.

No doubt, namana ni Dahlia ang kitchen expertise mula sa kanyang ama.

Cute din ang video na nagsasalita si Dahlia ng Ilocano dialect, English at French.

May dugong French si Erwan, kaya Dahlia has adopted the language.

Hindi nakapagtataka kung sa edad ni Dahlia ay dumami ang offers sa kanya to do commercials. Ronnie Carrasco III