Anne Curtis, pinagsisihan ang pag-uwi sa Pilipinas!

Anne Curtis, pinagsisihan ang pag-uwi sa Pilipinas!

April 7, 2021 @ 10:11 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Obyus na sa tweet ni Anne Curtis ay sising-sisi siya at umuwi pa sila ng asawang Erwin Heusaff at one-year-old daughter na si Dahlia sa Pilipinas noong Marso.

Isang taon ding namalagi ang mag-asawa sa Australia dahil doon sila naabutan ng lockdown. Noong maging maluwag na ang biyahe ay saka lang sila nagpasyang umuwi.

Pero hindi ang ganitong sitwasyon kung saan araw-araw ay pumapalo ang bilang ng mga COVID-19 cases araw-araw sa Pilipinas ang inaasahan ni Anne.

May isang araw kelan lang na umabot sa mahigit 15,000 cases ang naitala.

Tweet ni Anne, “This is quite alarming. What is the plan? What are the next steps? I know everyone understands that we have to take precautionary steps but….” biting pahayag ng aktres. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •