Anne Curtis, ready na magka-baby pagkatapos ng concert

Anne Curtis, ready na magka-baby pagkatapos ng concert

August 9, 2018 @ 1:54 PM 4 years ago


 

Now it can be told, tiniyak ni Anne Curtis na pagkatapos ng kanyang ika-21 anniversary concert, ang AnneKulit, ay matutuloy na ang kanilang honeymoon ng dyowa nitong si Erwan Heusaff. Gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum ngayong August 18.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong November 12, 2017 sa Thurlby Domain, Queenstown, New Zealand. “After this concert, I think mas kokonti na yung schedule ko. It will be more on Showtime na lang muna ang hihingin ko and then, of course we will go on our honeymoon in November,” pahayag ng aktres.

Excited na ang dalawa sa kanilang honeymoon sa South Africa. Aniya, “We’re very excited because it will be a long leave kasi one year bago mag-honeymoon, pinagbigyan niya ako, so I will give this to him naman.”

Inamin ni Anne na talagang swak silang dalawa bilang mag-asawa, “He’s very understanding of [my] work. He’s also a very busy person pero I think that’s just who Erwan is. He’s a very, very understanding man and he supports my career. Just the same, I support him, that’s why we match and we really just hit it off ‘coz we support and understand each other so nagwo-work talaga,” masaya nitong pahayag.

Sa puntong ito, maraming naniniwala na handa nang magbuntis ang aktres at maging ina base sa tsikang noon pa daw siya kinukulit ni Erwan na gumawa na sila ng baby. Ito na raw ang pagkakataon para mabuntis siya na puwedeng mangyayari sa kanilang honeymoon.

Isa pang basehan, nasabi ng aktres na hanggang It’s Showtime muna siya tutok na posible naman kasi, kahit buntis ka na tulad ni Mariel Rodriguez noon ay puwede pa naman mag-host sa nasabing noontime show. – PAISTARRR ni Alex Datu