Anne, handang ampunin si Mariel!

Anne, handang ampunin si Mariel!

October 3, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang vlog, ginawan ng prank ni Mariel Rodriguez ang close friends niya sa showbiz.

Isa sa nabiktima ng kanyang pangggugudtaym sa telepono ay ang kaibigang si Anne Curtis.

Nawindang naman si Anne sa drama niya na kesyo nag-away daw umano sila ng mister na si Robin Padilla.

Katunayan, sinabi niyang suko na siya sa mister kaya nakapagdesisyon itong lumayas na sa kanilang balur.

Nakiusap din siya sa “It’s Showtime” host na kung puwede ay makituloy muna siya sa bahay nila.

Hirit pa niya, puwede raw naman siyang maging yaya ng darling daughter nitong si Dahlia.

Nataranta naman si Anne at nagkanda-utal-utal nang marinig ang kunoý pinagdadaanan ni Mariel.

Sey ni Anne, wala raw namang problema kung sa kanya muna makituloy ang actress turned vlogger dahil handa niya itong ámpunin.’

Naloka na lang si Anne nang malamang pinagtripan lang pala siya ni Mariel sa vlog nito.

Ang isa pang na-prank ni Mariel ay ang kanyang manager na si Boy Abunda.

Sa vlog din, kinumpronta ni Mariel si Bianca Gonzales dahil may nagsabi raw sa kanya na sinisiraan siya at ang kanyang asawang si Robin ayon sa mga taong nakausap niya.

Pagtatanggol naman ni Bianca, never daw niyang gagawin iyon sa isang kaibigan.

Sa huli, nakahinga nang maluwag ang PBB host nang malaman nitong prank lang pala ang call na ginawa ni Mariel. Archie Liao