ANO ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI?

ANO ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI?

September 29, 2022 @ 6:41 PM 2 months ago


NAGING malaking isyu ang pagbalewala ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa petisyong naglalayong maideklarang mga terorista ang Communist Party of the Philippines and the the New People’s Army (CPP-NPA).
Nagkukumahog ang lahat ng involved sa seguridad ng bansa para ihayag ang kanilang panig hinggil sa desisyong ito ng korte, kung kailangan iaapela ito sa mataas na hukuman.
Mabagal naman at matamlay, ang dapat na magsalita sa isyung ito, ang National Security Adviser na si Professora Clarita Carlos. At tila humahanap pa ng magandang diskarte.
‘Yan ay ‘di na magbabago  kahit mabagal man umaksiyon ang tanggapan ng NSA na tila natatabangan sa malaking nagawa ng NTF-ELCAC para malusaw ang pwersa ng mga komunistang-terorista sa bansa.
Ang Sandatahang Pilipinas ay ganito rin ang posisyon, inaalay at ibinubuwis pa ang kani-kanilang buhay para lamang mapagtagumpayan ang pakikipaglaban sa mga CPP-NPA-NDF.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!