NATDEM (national democrats) ang tawag sa mga organisasyon ng Kaliwa o Komunista na nananawagan ng pambansang demokrasya.
Ang punong organisasyon ng Natdem ay ang Communist Party of the Philippines na ang kinikilalang pinuno ay si Benito Tiamzon – hindi si Jose Ma. Sison dahil ang gusto nito ay sa The Netherlands na lang tumira.
Walang makapagkakaila sa mga Natdem na ayaw nila ng kasalukuyang Sistema sa Pilipinas, isinusuka rin nila ang sistema ng pamahalaan, at hindi rin nila gusto ang pang-ekonomiyang sistema ng bansa na kapitalismo.
Kaya, lahat ng ito ay babaguhin nila kapag nanalo ang pambansang demokratikong organisasyon sa kanilang pakikibaka.
Siyempre, papalitan din nila ang Saligang-Batas na hawig sa China at North Korea.
Kung ganoon, bakit tutol ang Natdem sa pagbabago ng Saligang-Batas na ipinalit sa Konstitusyong 1973 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos?
Hindi nila gusto na palitan ang Konstitusyong 1987 upang mabago ang kasalukuyang sistemang presidensyal na isinusuka ng Natdem.
Pero, matindi ang galit ng Natdem sa sistemang presidensyal sapagkat ito raw ang pangunahing instrumento ng pagpapanatili ng kasalukuyang bulok na sistema.
Ang gulo ng Natdem!
Hindi naiintindihan ng publiko ang gusto nilang mangyari.
Ipaliwanag n’yo nga George San Mateo at Renato Reyes.
PARA SA MAG-AARAL AT GURO ANG MENTAL HEALTH PROGRAM
Bukod sa mga mag-aaral, marami ring guro ang nagkakaroon ng problema sa takbo ng isipan dulot ng maraming suliranin sa paaralan at pamilya.
Kaya, naman nagpupursige si Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng kongkretong programa para sa mental health ng mga guro at mag-aaral para sa Lungsod Quezon.
Ayon sa magaling na magiging alkalde sa susunod na halalan, mayroong inihandang module ang Natasga Gouldbourn Foundation “for school to incorporate depression and mental health in the school curriculum, and now they are going to have modules for teachers.”
Kumbinsido si VM Belmonte na kailangang-kailangang magkaroon ng pag-aaral ukol sa mental health, lalo pa’t 30 porsyento umano sa mga guro ang nakararanas ng depresyon.
Nito ngang Hulyo 14, sang 21-taong-gulang na guro mula sa Leyte ang nagpakamatay dulot ng matinding depresyon.
Ayaw ni Vice Mayor Belmonte na magpatuloy ang ganitong pangyayari at aabot sa kanyang sariling lungsod kaya isinusulong niya ang kongkretong hakbang para maintindihan ng mga guro ng lungsod at mag-aaral ng kahulugan ng iba’t ibang aspeto ng mental health. – BADILLA NGAYON NI NELSON S. BADILLA