Año: Barriers mandatoryo sa mga motorcycle taxi; sariling helmet hinihimok

Año: Barriers mandatoryo sa mga motorcycle taxi; sariling helmet hinihimok

October 18, 2020 @ 4:43 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na mandatoryong ipatutupad ang barriers sa mga motorcycle taxi sa pagbabalik-operasyon nito.

“Sa motorcycle taxi ay talagang requirement ‘yung barrier kasi hindi ‘yan magkakakilala e,” ani Año sa isang panayam ng Dobol B.

Inirekomenda rin ng kalihim ang pagsusuot ng sariling helmet.

“At saka ‘yung paggamit ng helmet, ini-encourage natin ‘yung commuters sana meron kayong sariling helmet para hindi kayo manghihiram,” dagdag nito.

Aniya sa mga drayber ng motorcycle taxi na palagiang i-disinfect ang helmet bago gamitin ng pasahero upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

“The motorcycle taxi plus the appropriate barrier naman ay additional ‘yan. Napakalaking tulong niyan sa ating commuters,” saad nito.

Lahad pa ni Año na ang planong pagbubukas ng mas maraming establisimyento ay nangangailangan ng mas maraming pampublikong transportasyon. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...