ANO na ANG NANGYAyaRI  SA ‘LAND OF THE FREE?’

ANO na ANG NANGYAyaRI  SA ‘LAND OF THE FREE?’

January 24, 2023 @ 1:28 PM 2 weeks ago


ANO ba ang nangyayari sa land of the free?

‘Yung bang === United States o Amerika sa atin.

Maya’t maya na lang, may mga basta pumapatay!

Pinakahuli ang pagmasaker sa 10 tao at pagsugat sa siyam iba pa sa Monterey Park, malapit sa Los Angeles, California, USA.

Limang lalaki at limang babae ang namatay nang pasukin ng killer isang klab na may mga nagsasayaw.

Pawang mga senior citizen ang mga namatay mula sa edad 60 pataas.

Naganap ito nitong nagdaang araw lang habang isinasagawa ang Lunar Year o New Year ng mga Tsino.

Edad 72 na si 72-year-old Huu Can Tran ang gumawa ng krimen at base sa ngalan nito, isa rin itong Asyano.

Nasa 60,000 ang populasyon ng Montery Park na umano’y tinitirhan ng karamihan ng Asyano, kasama ang mga Pinoy, Chinese, Vietnamese at iba pa.

MABUTI MAY MALAKAS ANG LOOB

May dala-dala umanong semi-automatic na baril si Tran na may maraming bala at ito ang kanyang ginamit sa pagmasaker.

Kung ano ang kanyang mga dahilan sa paggawa ng krimen, wala pang nakaaalam.

Pero ang isang magandang balita, makaraang mamaril sa isang klab, tinangka nitong lumipat sa iba pang lugar para ipagpatuloy ang paggawa ng krimen subalit naharang siya ng iba na kumuyog sa kanya.

Nadisarmahan siya ngunit nakatakas sa pamamagitan ng isang sasakyan.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff Robert Luna, nang mahabol si Tran na tumatakas at ang makorner na siya ng mga pulis, nagbaril na sa sarili na ikinamatay na rin niyan noon din.

Wala umanong ibang kasama ang suspek kaya maituturing nang case closed ang krimen.

Kung…totoong wala itong kasamang nagplano at nagsagawa ng krimen.

SANA NAMAN WALANG GANITO

Inaalam pa ng ating mga awtoridad kung may nadamay na Pinoy sa pangyayari.

Pero, sana wala.

At kung meron man, pagtulong-tulongan na lang nating makamit ang hustisya para sa kanila.

O ang pamahalaang Marcos na ang bahala sa mga ganitong sitwasyon.

Ang dasal lang natin, mga Bro, walang Pinoy na masasangkot sa mga masaker na katulad ng pangyayari sa ibang bansa.

Mahirap isipin na madagdagan ang zero record ng gobyerno sa pagpapanalo ng mga kaso ng mga Pinoy sa abroad.

Paano mo nga maipagtatanggol at maipanalo ang kaso ng isang Pinoy na maaaring mag-amok at pumatay ng marami gaya ng nabanggit na pangyayari?

Ang mga kritiko nga pala ukol sa zero record, ano-ano na nga pala ang kanilang kontribusyon para may magtagumpay na kaso ng mga Pinoy sa ibang bansa?

o0o