ANO NGA BA ANG PEDERALISMO?

ANO NGA BA ANG PEDERALISMO?

August 7, 2018 @ 6:49 PM 4 years ago


Mainit na mainit na pinag-uusapan ang Pederalismo pero marami pa rin sa mga kababayan natin ang hanggang ngayo’y salat pa rin sa kaalaman kung ano ba talaga ito na isinusulong ng ating gobyerno.

Ano nga ba talaga ang Pederalismo?

Ito ba’y pagkain na isusubo na lamang ng ating gobyerno sa  taumbayan na kapag napaso ang mga labi ni Mang Juan ay pwedeng iluwa na lamang niya nang basta-basta, lalo na kung hindi siya kuntento sa pagbabago ng anyo ng pamahalaan.

Ano nga ba ang PEDERALISMO?

Ang PEDERALISMO ay isang uri po ng sistema ng pamahalaan o gobyerno na binubuo ng tinatawag nating estado o state sa English.

Ang bawat estado ay may kakayahang mamuno sa kani-kanilang mga teritoryong nasasakupan.

Take note, sa Pederalismo, ay ipinamamahagi ang kapangyarihan sa mga estadong itatatag nang pantay-pantay upang mabllis ding maihatid ang serbisyo sa bawat mamamayan ng estado.

May Federal Government namang doon naiipon ang pambansang kapangyarihang pampamahalaan na katuwang pa rin ng mga estado.

Ang tanong ng ating mga suki, kung sakali raw ba, ano ang magiging mukha o pakinabang sa pederalismo para sa mga Filipino na patuloy na nagugulumihanan kung bakit kailangan pang palitan ang sistema ng ating gobyerno ga­yung maayos naman na tumatakbo ang pamahalaan?

At kung sakali naman na maaprubahan ang Pederalismo sa bansa, ano naman ang mga pagbabagong magaganap?

Maiaahon na ba sa kahirapan ang higit na nakararaming  Pinoy kapag gumulong na ang pederalismo sa ating bansa at magiging pantay-pantay na  ang pamumuhay ng mga mahirap at mayaman na mamamayang Pinoy?

Baba na rin ba ang presyo ng mga bilihin sa mga merkado habang patuloy ang pagkaltas ng TRAIN LAW 1 at TRAIN LAW 2 sa araw-araw na kita ng mga mamamayan?

Baka naman daw ang mang­yari ay ‘yung mga ma­yayaman nating kababayan  ay mas lalong yumaman at ang mahihirap ay lalong maghirap kapag na-aprubahan na ang pederalismo sa Pilpinas!

Abangan ang iba pang mga kaalaman para sa PEDERALISMO.

SI MAYOR PATONG NA RIN BA SA PASUGALAN?

Sa Baguio City, sa hindi kalayuan mula sa kapitolyo ng lungsod, matatagpuan ang puwesto pijo ng iligal na pasugalan na drop ball at color games ni  Larry.

Nasa Magsaysay Avenue cor. Abanao Street ang pasugalan pero nakapagtataka kung bakit hindi man lamang pinatatanggal ni Mayor Mauricio Domogan ito.

Hindi kaya pati si mayor ay may tinatanggap na ring gambling payola mula kay Larry?

o0o

Anoman ang puna o reklamo i-text mo sa 09189274764, 09266719269 o e-mail sa juan­[email protected] o juan­[email protected] JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA