ANO NGA BA ANG SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME-COVID-2

ANO NGA BA ANG SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME-COVID-2

June 1, 2021 @ 4:02 PM 2 years ago


ANG Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 o SARS-CoV-2, ay dumaan sa maraming pagbabago mula nang ma-detect ang COVID-19 sa China.

Kaya mayroon na ngayong UK Variant, South African, Brazil Variant at isang variant na sa Pilipinas mismo nanggaling, ang sinasabing P.3.

Ang tanonnnngg: Gaano ba katotoo na mas nagiging delikado ang coronavirus at paano nga ba nabubuo ang mga variant na ito?

Ang virus constantly nagkokopya para dumami.

Sa pagkopyang ‘yun, pwedeng nagkakaroon ng typo errors na tinatawag nating mutations na pwedeng may mutation na wala namang epekto.

Pero may mutation naman na tinatawag natin na deleterious o nakasasama, ayon sa mga doktor dahil sa mutation na ito maaaring makita kung paano makauugnay ang iba’t ibang version ng virus.

Napag-alaman pa na masusubaybayan ang pagkalat ng isang virus sa pamamagitan ng kanyang mga lineage o mga angkan.

Sa mga lineage na ito umuusbong ang iba pang mga sangay o pamilya ng nagbabagong virus dahil sa mga mutation.

Sa ilang kasing pagkakataon, ang mga sangay na ito ay nagpapakita ng marami at kakaibang mutation na nagbabago sa ilang katangian ng virus kaya nga tinatawag na itong bagong variant.

Pero kahit karamihan sa mga variant na ito ay hindi naman nakasasama, may mga grupong dapat bantayan.

Ayon kay Dr. Eva C. Dela Paz, variants o concern sila kasi meron silang tinataglay na mutations na nagkakaroon ng mga katangian para ang virus ay maging mas madaling makahawa o kaya nakapapasok sa immune system.

Kasama sa mga variant of concern na ito ang mga unang natagpuan sa United Kingdom, South Africa at Brazil.

Ang lahat daw na ito ay mas nakahahawa dahil sa mutation na pare-parehong meron sila, ang N501Y na nakaaapekto po sa receptor binding domain ng Spike Protein.

Dahil dito, ang mutation na ito ay malapit sa dulo ng spike protein kaya binago nito ang hugis ng spike protein upang magkaroon ng mas mahigpit na kapit sa ini-infect nitong cells.

Dahil mas kumakapit ang virus sa cell ng tao ay mas madali raw itong makahawa pero hindi lang iyan ang mutations na laman ng mga variant of concern.

Ang B1.1.7 o UK variant ay mayroong 23 mutation na mas marami kumpara sa iba at dahil nga sa N501Y ay 40% na mas nakahahawa ito.

Sa bagong pag-aaral ngayon na may nagsasabing mas nakamamatay rin ang South Africa at Brazil variants.

Pareho umanong may mutation na maaaring makaapekto sa immune system at efficacy rate ng mga bakuna.

Hindi na ma-detect ng immune system ang mga variant na ito, mas mahina ang mga bakuna laban sa kanila.