Año: No jab, no entry rule sa Lapu-Lapu City ‘discriminatory, prescriptive’

Año: No jab, no entry rule sa Lapu-Lapu City ‘discriminatory, prescriptive’

July 28, 2021 @ 5:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tutol si Interior Secretary Eduardo Año sa polisiya sa Lapu-Lapu City kung saan binabawalang pumasok ang mga hindi bakunado sa ilang establisimyento.

“Hindi pa napapanahon ‘yung mga ganiyang policy kasi discriminatory pa rin siya at very prescriptive sa mga hindi pa bakunado,” giit ni Año sa panayam ng TeleRadyo.

Batay sa executive order ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan, simula Agosto 25 bakunado lamang ang papayagang pumasok sa palengke, department stor, supermarket, grocery store, at convenience store.

Punto ng opisyal na kulang pa ang suplay ng bakuna sa bansa upang ipatupad ang nasabing polisiya.

“Para sa akin, huwag nating i-discriminate ‘yung hindi bakunado. Bakunahan natin sila. Maraming paraan para sila ay maengganyo,” aniya.

Nakikipag-ugnayan na ang DILG kay Chan ukol sa polisiya nito.

Una nang depensa ni Chan na ito lamang ang nakikitang paraan ng lungsod upang mahikayat ang mga residente nito na magpabakuna.

Dagdag nito na may isang buwan ang mga residente ng Lapu-Lapu City upang magpabakuna.

Ayon pa sa alkalde, matapos ianunsyo ang polisiya ay tumaas ang bilang ng nagpapabakuna sa lungsod.

Sa huling datos, 8,164 na ang kabuuang kaso ng sakit sa Lapu-Lapu City kung saan 6,961 na ang gumaling habang 182 ang mga nasawi. RNT/ELM


  •  
  •  
  •