Año: Paggamit ng motorcycle shield ipatutupad sa July 20

Año: Paggamit ng motorcycle shield ipatutupad sa July 20

July 15, 2020 @ 12:18 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shield simula Hulyo 20 upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Pinayagan ng backriding simula Hulyo 10 para sa mga mag-asawa lamang at kinakailangang maglagay ng physical barrier upang malimitahan ang pagkalat ng virus.

“Ngayon sinisita at kino-cautionan sila. Starting Monday magpapatuapd na JTF (Joint Task Force)-SHIELD ng panghuhuli,” ayon ito kay Interior Secretary Eduardo Año.

Inaprubahan ng NTF COVID-19 ang motorcycle shield na idinisenyo ni Bohol Governor Arthur Yap, na sinubukan sa kanyang lalawigan at Angkas.

Umani naman ang pambabatikos ang paggamit ng motorcycle shield, kung saan sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na ito ay “dangerous, inconvenient, and does not make sense.”

Subalit hinimok ni Año ang “motorcycle experts” na igalang ang polisiya ng pamahalaan.

“Marami kasi dyang expert sa pagmomotor. We respect na expert ka sa pagmomotor pero irespeto mo naman yung expert sa pandemic. Sila yung nagsasabi at nagliligtas ng buhay,” giit nito. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...