Año sa LGUs: Magsagawa ng maagang pagbabakwit sa bagyong Rolly

Año sa LGUs: Magsagawa ng maagang pagbabakwit sa bagyong Rolly

October 30, 2020 @ 6:49 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang local government units na magsagawa ng maagang pagbabakwit dahil sa bagyong Rolly.

“Nagpalabas na tayo ng advisory. Sa Operation Listo kasi kailangan nakapagprepare na tayo sa mga evacuation areas natin. Dapat magsasagawa na tayo ng pre-evacuation,” saad ni Año sa isang panayam.

“Hindi na kailangan aantayin mo ‘yung bagyo bago mag-evacuate lalo na sa mga low-lying areas sa eastern seaboard natin and at the same time dapat nakapreposition na ‘yung mga relief goods at dapat ang ating mga local chief executives present talaga.”

“Hindi puwedeng wala sila diyan, malaking kasalanan kapag dumating ‘yung isang bagyo ay wala ‘yung ating mayors pati governors,” lahad pa nito.

Nauna na nga ritong tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Pancratius Cascolan na ipakakalat ang mga kapulisan bilang pag-agapay sa posibleng epekto ng bagyo.

“‘Yung mga tao dapat visible sila, malapit dapat sila sa mga supposed to be affected areas. There will be deployment near areas of concern so kung ang concern po natin ay IV-A, Quezon kunyari, malapit po diyan ang mga tao nating madeploy para mabilis ang responde.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...