Año sa mga nagtungo sa Makati na binisita ng quarantine violator: Magpa-COVID test

Año sa mga nagtungo sa Makati na binisita ng quarantine violator: Magpa-COVID test

December 31, 2021 @ 8:50 AM 8 months ago


Manila, Philippines — Pinayuhang magpa-COVID testing ang mga pumasyal sa Makati na partikular na pinuntahan ng COVID positive na babaeng hindi nag-quarantine noong Disyembre 23.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kumain pa ito sa restaurant na tinukoy na Mijo at nagtungo sa bar na Kampai na kapwa sa Barangay Poblacion, Makati matapos lumabas sa kanyang quarantine hotel.

Nagpositibo sa swab test ang babae noong Disyembre 26 sa huling araw ng kanyang quarantine galing US.

“We don’t know if it’s Omicron, but we have seen the speed of the virus spread here. So we’re asking everyone to be careful — especially those who were in the places we mentioned on December 23. Self-isolate and get a swab test to ensure your safety,” lahad pa ni Año.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na tututukan nila ang mga hotel na pumapayag na hindi mag-quarantine ang kanilang mga bisita. RNT/FGDC