ANOMALYA SA KUBETA NI NOYNOY

ANOMALYA SA KUBETA NI NOYNOY

August 7, 2018 @ 6:31 PM 4 years ago


Umalingasaw ang isa pang isinagawang pangungurakot ng nakaraang administrasyong Aquino at iyan ang iregularidad sa P295.86 milyon na proyektong paglalagay ng kubeta sa mga transport terminal sa kapuluan.

Iyan ay nabulgar habang patuloy ang sistematikong paninira ng mga dilawan sa pamahalaang Duterte at sa mga supporter nito kabilang ang pamil­ya ng inyong lingkod.

Biruin n’yong pati ang kons­truksiyon ng public toilets sa airports, seaports at train stations ay ‘di pinatawad sa kanilang pandarambong noong 2014 at 2015.

Hindi mapag-alaman kung saan napunta ang halagang P295.86 milyong materyales na dapat ginamit sa pagtatayo ng mga palikuran o CR sa ilalim ng Kayo ang Boss Ko (KBK) ng dating Department of Transportation and Communications.

Iyan ang korap na ahensya na pinangasiwaan ng alipores ni Noynoy Aquino sa pangunguna ni dating-Secretary Emilio ‘Jun’ Abaya na nahaharap sa kasong pandarambong sa bilyon-bilyong pisong iregularidad sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa ganang ito, malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ang taumbayan ang “boss” ni Abaya na kanyang kakutsaba kundi ang dating panotsa na dating nasa Palasyo.

Paanong natawag nilang boss ang taumbayan kung pati ang mga kubeta ay kinangkong ng mga animal na ‘yan.

‘Di malayo na kakutsaba rin ang isa pang panotsa na dating namamayagpag sa Department of Budget and Management (DBM) na siyang utak ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kung bakit hindi ang mga buwayang dilawan ang pag­tuunan ng pagbubulikat ng Commission on Audit (COA).

Paminsan-minsan kasi’y naliligaw rin ng landas ang COA at nagpapagamit sa mga politiko.

Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-11AM sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapanonood din ang  programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa etul­fo­[email protected] o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Que­zon City (taas ng PSBank).DEADSHOT NI ERWIN TULFO