Manila, Philippines – Tinapos ng Disney/Marvel film na “Ant-Man and the Wasp” ang kompetisyon ngayong linggo matapos itong makapagtala ng $76 million in ticket sales sa North America, ayon sa estimasyon kahapon (July 8).
Mas tumaas pa ng nasa 33 percent sa ticket sales kaysa noong unang ipinalabas ito noong weekend, sabi ng industry watcher Exhibitor Relations.
Ang “Ant-Man and the Wasp,” ay sequel ng “Ant-man” na ipinalabas noong 2015. Ito ang pang dalawangpung pelikula na kasama sa serye ng comic book movies ng Disney’s Marvel Cinematic Universe kung saan ito ang unang pagkakataon na nagpakilala sila ng babaeng karakter sa titolo ng pelikula.
Ang team-up ni Antman (Paul Rudd) at Wasp (Evangeline Lilly) ang siyang umagaw ng unang puwesto mula sa three-day revenues ng “Incredibles 2” na gawa ng Disney at Pixar na kumita ng $29 million.
Ito rin ay nagpatalsik sa nakaraang pelikula na “Finding Dory” bilang top-grossing animated film of all time, sabi ng The Hollywood Reporter.
Nakalikom ng $504 million sa kabuuang domestic ticket sales ang “Incredibles 2” at $700 million worldwide, ayon sa Exhibitor Relations.
Pumangatlo naman sa puwesto ang “Jurassic World: Fallen Kingdom,” na mayroong $28.6 million na gawa naman ng Universal kung saan sa loob ng tatlong linggo ay lumagpas na sa $1 billion mark ang kita nito sa buong mundo.
Pang-apat naman ay ang kalalabas palang na Universal film na “The First Purge,” na mayroon namang $17.2 million.
Kabilang pa sa top 10 list ay ang “Sicario: Day of the Soldado” ng Sony ($7.3 million), “Uncle Drew” ($6.6 million), “Ocean’s 8” ($5.3 million), “Tag” ($3.1 million), “Won’t You Be My Neighbor?” ($2.6 million) at “Deadpool 2” ($1.7 million). (Remate News Team)