Anthony Gedang, planong i-democratize ang film industry!

Anthony Gedang, planong i-democratize ang film industry!

January 5, 2023 @ 1:47 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Super excited ang producer ng Artiste Entertainment Inc. na si Anthony Gedang sa kanyang mga projects ngayong 2023 kasama na ang pagpapakilala sa bagong Pinoy superhero.

FYI, si Anthony amg producer ng award-winning movoe ni Joel Torre na Ataul For Rent, na idinirihe ni Buboy Tan.

“B ang pangalan ng super hero na ipapakilala ko soon pero as of now, parang series muna sa komiks ang gagawin ko,” sabi pa ni sir Anthony na medyo matipid pa sa detalye ni Pinoy superhero B.

Sinabi ni sir Anthony na magpapa-contest muna siya sa animation and illustration para i-drum-up ang bagong Pinoy superhero.

Bukod sa Pinoy superhero ay ibinalita rin ni sir Anthony na papasukin na rin niya ang Creative Industries kasama na ang literature, crafts and folk arts.

“Involve ako ngayon sa music and literature.

Sila kasi ang maraming idea pero hndi nila ma-convert, hindi nila ma-produce kaya ako na ang bahala sa business side.

“Makikipagtulungan kami sa DepEd saka sa LGUs para magkaroon ng katuparan ang Creative Industries na sinusulong namin, kasama ko sina Rez Cortez at Leo Martinez.

“Sa ngayon, may gagawin na kaming tatlong projects sa Creative Industries and sumulat na kami sa DepEd secretary, kay Inday Sara.

May listahan na rin kami ng mythologies and folklores na sisimulan naming i-produce.

“Sa creative industry kasi, we want to democratize film making in all aspects,” sabi pa ni Anthony Gedang. JP Ignacio