Anthrax infection sa Cagayan kontrolado na-DOH

Anthrax infection sa Cagayan kontrolado na-DOH

January 4, 2023 @ 7:04 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang karagdagang kaso ng anthrax infection sa tao at walang bagong pagkamatay sa mga kalabaw ang naitala kasunod ng mga insidente noong nakaraang buwan.

Ito ang nilinaw at inianunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Enero 3.

Ayon sa DOH Epidemiology Bureau at ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ng Rehiyon II, ang anthrax health event sa lugar ay kontrolado na.

Matatandaan na noong Disyembre 23, kinumpirma ng DOH na 125 katao sa lalawigan ng Cagayan ang kumain ng karne ng dalawang “may sakit at namamatay” na kalabaw.

Bukod sa kanila, 26 pa ang nagpakita ng mga palatandaan at sintomas ng impeksyon sa tao ng anthrax.

Ang lahat ng ito ay nabigyan na ng gamot at idineklara nang nakarekober. RNT