Anti-agri smuggling bill ni Sen. Lapid, nakahamig ng suporta sa magsasaka

Anti-agri smuggling bill ni Sen. Lapid, nakahamig ng suporta sa magsasaka

March 3, 2023 @ 10:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang prominenteng grupo ng mga magsasaka ang nagpahayag ng kanilang suporta sa batas na inihain ni Sen. Lito Lapid na labanan ang malawakang smuggling sa agricultural products na nakapipinsala sa local farm sector at umaagaw na sa kita ng gobyerno.

Sa isang kalatas, pinuri ng Philippine Tobacco Growers Association si Lapid sa paghahain nito ng Senate Bill 1812 na naglalayong palakasin ang batas laban sa smuggling ng agricultural products sa gitna ng malaganap na illegal importation ng commodities o kalakal gaya ng asukal, sibuyas at tobacco.

Ang PTGA, kumakatawan sa 50,000 tobacco farmers sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, nagpahayag ng pag-asa na ipapasa ng Senado ang panukala ni Lapid na amiyendahan ang Republic Act. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 sa pamamagitan ng pagpapalawak sa sakop nito na isama kapwa ang “raw at processed tobacco” sa listahan ng core agricultural products na bibigyan ng proteksyon laban sa large-scale smuggling.

Makikita sa industry data na ang nagpapatuloy na agri-smuggling problem ay may masamang epekto sa 700,000 sugar cane farmers, 35,000 onion farmers, at 462,000 manggagawa na nauugnay sa tobacco production chain sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sinabi ni PTGA president Saturnino Distor na ang lahat ng agricultural industries ay dapat na “equally protected” at ang malagap na smuggling ay patuloy na nagsisilbing grave threat sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at milyong dependents o tao na umaasa sa Industriyang ito para sa kanilang kita at kabuhayan.

ā€œMilyong tao ang nakadepende sa industriya ng tabako kasama na ang mga nasa trading, manufacturing at distribution. Naparakaraming magbebenepisyo kung ipapasa ang SB 1812 na naglalayong ituring ang smuggling ng tabako na pagsabotahe ng ekonomiya,ā€ ayon kay Distor.

Sa kabilang dako, sa pagtatantya naman ng National Tobacco Administration, tinatayang may 2.2 milyong katao ang umaasa sa tobacco industry, habang ipinakikita naman ng data mula sa Sugar Regulatory Administration na may 5 hanggang 6 milyon ang “indirectly employed” ng sugar industry.

Ikinalungkot din ni Distor kung paano ang smuggling “renders local farm output uncompetitive, impedes the productivity of farmers and leads to higher costs of agricultural products to the detriment of consumers.”

ā€œSa patuloy na pagtaas ng presyo ng lokal na produkto ay lalong lumalaganap ang smuggling. Natatalo ang mga kababayan nating magsasaka sa kompetisyon kung ikukumpara sa presyo ng smuggled,ā€dagdag na wika nito.

“The unabated smuggling of tobacco is estimated to cost P50 billion to P100 billion in revenue losses for the government,” ayon naman sa Bureau of Internal Revenue. Gaya ng nakasaad sa ilalim ng Republic Act no. 11346, bahagi ng excise tax na kinolekta mula sa tobacco products ay dapat na inilaan para pondohan ang Universal Health Care program ng gobyerno.

Taong 2021, nakakolekta ang BIR ng P176 bilyong piso mula sa tobacco industry.

Sa ilalim ng SB 1812 at ang kamakailan lamang na naipasang counterpart bill na HB 3917, ang large-scale agricultural smuggling ng tobacco, maging ito man ay manufactured o unmanufactured, kabilang ang finished products gaya ng cigars, cigarettes o heated tobacco products, ay kinokonsiderang ā€œeconomic sabotageā€ at isang non-bailable offense.

Layon ng batas na amiyendahan ang Seksyon 4 ng umiiral na Anti-Agri Amuggling Law sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa na pagkakabilanggo ng 30 hanggang 40 taon, at multa na dalawang beses ng fair value at ang pinagsama-samang halaga ng buwis, duties at iba pang charges na iniiwasan sa pagpupuslit ng tobacco.

Samantala, pinarurusahan lang ng kasalukuyang batas ang large-scale smuggling ng asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, carrots, isda at cruciferous vegetables sa hilaw na estado nito o dumaan sa simpleng proseso ng paghahanda o preserbasyon para sa merkado, na may pinakamababang halaga na P1 milyong piso.Ā RNT