Anti-cybercrime ng PNP paghuhusayin ng DILG chief

Anti-cybercrime ng PNP paghuhusayin ng DILG chief

July 12, 2022 @ 8:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP, ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime, kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.

“Alam ko ito ay bagong phenomena sa atin kaya please just inform me anong equipment ang kailangan ninyo,” ayon kay Abalos.

“Kung kinakailangan mag-seminar o mag-aral po o kumuha pa ng technical people sa cybercrime, please do so inform us the soonest,” dagdag na pahayag nito.

Ang payo rin ni Abalos ay turuan ang publiko ukol sa cybercrime.

Samantala, tiniyak naman ni Abalos sa mga PNP personnel na mabibigyan ang mga ito ng legal support kapag naharap sa asunto mula sa mga sindikato na naniniwalang hinahadlangan ng mga awtoridad ang kanilang ilegal na aktibidad.

Sinabi ni Abalos na bubuo siya ng isang team at mangangalap ng pondo para mapangasiwaan ang mga legal issues kung saan masasangkot ang mga tapat na police personnel. Kris Jose