Anti-drug advocacy program para sa SK, plano ng PDEA

Anti-drug advocacy program para sa SK, plano ng PDEA

August 7, 2018 @ 5:12 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isinusulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagtatayo ng magkakatulad na Anti-Drug Advocacy Program ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa para labanan ang iligal na droga.

Ito ang sinabi ni PDEA Director General Aaron N. Aquino sa katatapos na SK Summit sa Bren Guiao Convention Center sa lungsod ng San Fernando, Pampanga nitong nakalipas na Agosto 2, 2018 na inisponsor ni Governor Lilia Pineda.

Ayon kay Aquino, ang uniform anti-drug advocacy programs para sa SK ay nais ipatupad ng PDEA sa pakikipagtulungan ng Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa pagsasalita ni Aquino, sa may 8,000 SK officials sa Pampanga, nananawagan ito na dapat limitahan ng mga kabataan ang pago-organize ng basketball tournament at beauty pageants at dapat sumentro ito sa pag-oorganisa ng anti-drug advocacy program ng mga kabataan.

“SKs has a 10% annual budget from the barangay funds that can be used for the implementation of anti-drug advocacy programs in their community,” ani pani Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na may kapangyarihan ang mga youth leaders para gamitin ang teknolohiya.

“SK officials can use the different social media platforms in disseminating correct information to the youth. They can discourage young people from using illegal drugs and educate them on the harmful impact of this industry to an individual and to the society as a whole,” he said, adding that youth leaders are also role models in their respective barangays, municipalities and cities”ani Aquino.

Ayon pa sa PDEA chief ang kabataan ang boses ng bansa, kaya’t umaapila ito na dapat gamitin ang kapangyarihan nito para tulungan ang gobyerno para palitan ang kinabukasan ng bansa pagtatapos pa nito. (Santi Celario)