Anti-ENDO bill muling inihain sa Kamara

Anti-ENDO bill muling inihain sa Kamara

August 1, 2022 @ 10:13 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Matapos i-veto ni Panguong Rodrigo Duterte noong 2019, muling isusulong ngayong 19th Congress ni House Committee on Labor and Employment Chairman Fidel Nograles ang pagsasabatas ng Security of Tenure at anti-Endo Act.

Ang kontrobersiyal Endo Bill ay matatandaang ipinasa ng Kamara at Senado subalit ibinasura ito ni Pangulong Duterte dahil na rin sa pagkakaroon ng malawak na definisyon ng labor only contracting, iginiit ng Pangulo sa kanyang vetoed message  na dapat magkaroon ng balance sa interes ng employee at employer.

Sinabi ni Nograles na Chairman ng Labor Committee ay tututukan nito ang employment issues at pangunahin na dito ay ang matiyak ang seguridad ng mga manggagawa sa kanilang trabaho at ang tamang pasahod sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Tinukoy nito ang report ng International Trade Union Confederation’s Global Rights Index na nagpapakita na kabilang ang Pilipinas sa 10 worst countries for working people.

“The committee will address several issues to improve the country’s labor environment and root out labor abuses”pagtiyak ng solon.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 6 na panukala na isinumite sa Kamara na naglalayong amyendahan ang Labor Code of the Philippines partikular sa panukalang pagkakaroon ng security of tenure at tuldukan ang contractualization.

Suportado naman ng Philippine Trade and General Workers Organization, ang pinakamalaking pederasyon ng mga manggagawa sa bansa ang planong pagsusulong muli ni Nograles sa Endo bill. Gail Mendoza