Anti-fuel smuggling program ng BOC, DOE, BIR pinalakas pa

Anti-fuel smuggling program ng BOC, DOE, BIR pinalakas pa

May 29, 2021 @ 10:21 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Nilagdaan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang Memorandum of Agreement para sa “Information Exchange and Reconciliation“ katuwang ang Department of Energy (DOE) at Bureau of Internal Revenue (BIR) upang higit na palakasin ang programa ng gobyerno laban sa fuel smuggling.

Layon ng nasabing kasunduan na mapaigting ang samahan sa pagitan ng DOE, BIR, at BOC upang labanan ang iligal na pagpupuslit ng langis at masuri ng wasto at tamang buwis.

Sa ilalim ng memorandum, lilikha ng isang Information Exchange and Reconciliation Committee na magmomonitor at mag-uulat hinggil sa “discrepancies” o pagkakaiba-iba ng mga impormasyon tulad na lamang ng dami ng imported at exported crude oil, finished petroleum products at bioethanol.

“Through this Memorandum of Agreement, the BOC looks forward to building a better, more transparent partnership with the DOE and the BIR, moving towards the common vision of curbing oil smuggling and ensuring proper assessment of taxes through regular information exchange,” ani Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.     JAY Reyes