Anti-lane splitting, mandatory motorcycle club membership, tinabla ni JV

Anti-lane splitting, mandatory motorcycle club membership, tinabla ni JV

August 23, 2022 @ 12:21 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tablado kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang panukalang Anti-Lane Splitting at mandatory club registration para sa lahat ng motorcycle riders.

Sa pahayag, sinabi ni Ejercito, kilalang motorcycle rider na hindi niya susuportahan ang dalawang panukalang batas na inihain sa Kongreso.

“Rest assured that the two bills – the Anti-Lane Splitting and mandatory membership in organizations from Congress – I will not support (them) and make sure it doesn’t pass in the Senate,” ayon kay Ejercito, sa statement.

Nakapaloob ang Anti-Lane Splitting sa House Bill No. 1419, na naglalayong parusahan ang sinumang motorcycle rider na nagbabalak dumaan sa pagitan ng hanay ng sasakyan sa mga lansangan partikular kapag heavy traffic habang nakatakda naman sa House Bill No. 32 na inaatasan ang lahat ng motorcycle riders na lumahok sa accredited clubs bago magparehistro at pagkuha ng lisensiya.

Aniya, na dapat gawing ligtas ang lane splitting o lane sharing sa halip na ipagbawal ang lane-splitting.

Sinabi ni Ejercito na makabubuti sa mga motorcycle rider ang lane splitting dahil mababawasan ang exposure nila sa polusyon, masamang panahon at mapanganib na elemento.

“Maaring mas maging harmful sa ating mga motorcycle riders ang pagbabawal sa lane splitting. May mga bansa na ginawang legal ang lane splitting dahil base sa kanilang pag-aaral, mas ligtas para sa mga motorcycle riders ang lane sharing,” giit niya.

Iginiit ni Ejercito na sa halip ipagbawal ang lane splitting, mas makabubuti sa pamahalaan na lumikha ng guidelines na maaaring ipatuapd para sa ligtas na lane splitting o lane sharing.

“Let us always focus on how to make our road safe,” ani Ejercito.

Ipinaliwanag pa ni Ejercito na magkakaroon ng diskriminasyon ang anti-lane splitting sa mga motorcycle riders na hindi makabibili ng mas malaking sasakyan at hindi rin sakop ng katulad na regulasyon ang ibang sasakyan.

“Imposing new regulations and penalties “exclusive to motorcycles” will have a heavier impact on economically disadvantaged riders,” giit pa ng senador.

Samantala, hindi rin pinaburan ni Eejrcito ang panukalang magkaroon ng mandatory membership ang lahat ng motorcycle riders sa motorcycle club dahil inililipat ng panukala ang rensponsibilidad ng law enforcement mula sa traffic enforcer tungo sa samahan .

Bukod dito, magkakaroon ng panibagong patong ng burukrasya at gastusin sa bahagi ng motorcycle rider.

“Let’s not punish our fellow riders with unnecessary expenses. Our economic situation is already difficult with the ongoing pandemic,” ayon kay Ejercito.

Sa halip, iginiit ni Ejercito na dapat bigyang prayoridad ng Kongreso ang pag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act upang palitan ang mandatory installations ng oversized license plates ng radio-frequency identification scanner system. Ernie Reyes