Anti-terror law mananatiling konstitusyunal- Lacson

Anti-terror law mananatiling konstitusyunal- Lacson

December 12, 2021 @ 1:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Ipinahayag ni Senator Panfilo Lacson nitong Sabado na kumpiyansa siya na hindi ibabasura ng Supreme Court (SC) ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Nangako ang ilang petitioners na aapela ukol sa desisyon ng Korte na nagsabing dalawang parte ng batas ang unconstitutional.

Sinabi nila na ang “draconian” features ng batas, kagaya ng awtoridad ng Anti-Terrorism Council na ikulong ang terror suspects hanggang 24 araw kahit walang judicial warrant of arrest, pagsuri sa bank accounts, at pag-freeze sa assets, ay mananatili.

Nang tanungin ang senador kung kumpiyansa siyang mananatiling generally constitutional ang batas kasunog ng appeals process, oo ang naging tugon ni Lacson sa isang news conference sa Dumaguete City.

Binigyang-diin din ni Lacson, principal author ng anti-terror law, na hindi umano gagamitin ang batas para sa political opposition.

“Nasa batas ‘yun eh, hindi naman tina-target ang opposition eh. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung tatargetin sila,” aniya.

“Whether members of the opposition, whether they’re symphatizers of the CPP-NPA, whether you are member of the media, whether members of Congress, if you commit acts of terrorism, you will be answerable under the law,” dagdag ni Lacson. RNT/SA