Anti-Terror Law rulling, balak iapela ng Bayan Muna

Anti-Terror Law rulling, balak iapela ng Bayan Muna

December 10, 2021 @ 8:58 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hindi kuntento at iaapela ng grupong Bayan Muna ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara na unconstitutional sa ilang bahagi lamang ng Anti-Terrorism Law (ATL).

Ayon kay Bayan Muna Chairman at Senatorial Candidate Neri Colmenares, maituturing na ‘partial victory’ lang ang nakuha kung hindi idedeklara ng SC na labag sa batas ang kabuuan ng ATL.

“We plan to challenge the Supreme Court’s declaration that almost all the other provisions of the law are not unconstitutional,” ani Colmenares.

Isa sa probisyon na kinukuwestiyon ng Bayan Muna sa ATL ay ang pagpapakulong sa suspected terrorist ng hanggang 24 araw kahit walang warrant of arrest at wala pang kasong naisasampa sa korte.

Ganito Rin ang posisyon sa isyu ni Albay Rep Edcel Lagman, aniya, kung dalawang probisyon lang sa ATL ang tinuran ng SC na unconstitutional ay malinaw na magkakaroon ng paglabag sa due process at human rights.

Nangangamba si Lagman na ang ATL ay magagamit laban sa mga kritiko ng gobyerno.

“The definition of “terrorism” should have been junked for being grossly vague as it ensnares innocent victims who are the targets of the government’s vengeance and reprisal for being conscientious dissenters and vigilant critics of the administration,” giit ni Lagman.

Umaasa naman si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na sa ihahaing apela sa SC sa kontrobersyal na ATL ruling ay babaguhin pa nito ang desisyon dahil ang kabuuan umano ng nasabing batas ay labag sa batas at hindi dalawang probisyon lang. Gail Mendoza