Antibodies ng ina mula sa COVID vax, pwedeng maisalin sa sanggol – POGS

Antibodies ng ina mula sa COVID vax, pwedeng maisalin sa sanggol – POGS

March 23, 2022 @ 7:43 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Maaaring maisalin ng mga inang fully vaccinated kontra COVID-19 ang antibodies sa kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng kanilang gatas, ayon sa Philippine Obstetrical and Gynecological Society.

Ayon kay Dr. Maria Lorena Santos ng POGS, inirerekomenda ang COVID-19 vaccination sa mga inang nagpapasuso dahil magsisilbi nila itong proteksyon laban sa mga viral disease gayundin ang kanilang mga sanggol.

“Indeed, Covid-19 antibodies were detected in breast milk. Pero hindi ito basta makukuha. Kailangan fully vaccinated si mommy para makagawa siya ng antibody na maisasalin, mata-transfer sa breast milk to the baby,” saad ni Santos.

Dagdag niya, ang mga ina na nakareboer mula sa COVID-19 ay maaari ring mag-produce ng antibodies.

“If you had Covid-19 unintentionally—[you] will also produce [an] antibody enough to be transferred to the mother’s milk to the baby,” aniya.

“But between the antibody produced through natural infection and antibody produced through vaccination, mas mataas po ang level ng antibody if you got it from vaccination.”

Katunayan, inirerekomenda rin aniya ang COVID-19 vaccination sa mga buntis.

“There is no evidence of adverse maternal or fetal effects from vaccinating pregnant individuals with the Covid-19 vaccine.”

Samantala, pinapayuhan din sila na magpaturok ng booster shots. RNT/ JCM