Antigen test sa COC filing oks sa Kamara – Comelec

Antigen test sa COC filing oks sa Kamara – Comelec

September 21, 2021 @ 6:02 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binanggit ng Commission on Elections (Comelec) na ang antigen test ay tinanggap ng House of Representative bilang isang requirement  a pagpasok sa kanilang premises.

“The COMELEC notes the DOH’s statement, but also notes that antigen tests are accepted by the House of Representatives as a requirement for entry into their premises.” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez nang tanungin ang kanyang reaksyon ukol sa sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na hindi pinapayagan ang antigen test para sa mga maghahain ng certificate of candidacy (COC) at iba pang makikilahok para sa May 2022 elections.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, makikipag-usap ang DOH sa Comelec upang talakayin ang kanilang plano para sa halalan.

Giit ng opisyal, kailangang tama ng pagsusuri upang wala nang duda sa resulta.

Una nang lumutang ang posibilidad na gumamit ng rapid antigen testing ang Comelec para sa mga botante na magpapakita ng sintomas sa kanilang paglahok sa Eleksyon 2022. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •