Antigen test sa parties, ‘di inirerekomenda

Antigen test sa parties, ‘di inirerekomenda

December 10, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng antigen test para sa screening sa pagdalo ng mga party dahil maari itong magbigay ng positibong resulta.

Sa press briefing, pinaalalahanan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang publiko na ang antigen test ay ‘accurate’ para sa mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19.

Ayon pa kay Vergeire sa rekomendasyon at guidelines na inilabas ng DOH, maaring piliin ang antigen test o RT PCR test kung ang isang indibidwal o tao ay may sintomas.

Sinabi ni Vergeire na mas mabuting magkaroon ng health screening sa mga party at magsuot ng facemask upang maiwasan ang pagkalat ng viral disease.

“The best thing we will do para tayo ay magkakaroon ng parties would be that we have our health screening kayo bago pumunta sa party. If you know you have been exposed to a positive individual, if you know that you have symptoms huwag na tayo pumunta sa party at baka tayo ay makapanghawa,” sabi ng opisyal.

Higit sa lahat, dapat magsuot ng face mask kung talagang gustong mag-ingat upang masiguro na ang transmission ay nanatiling mababa. Jocelyn Tabangcura-Domenden