Antique nahaharap sa fuel supply shortage sa nasirang tulay

Antique nahaharap sa fuel supply shortage sa nasirang tulay

November 2, 2022 @ 4:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Antique Governor Rhodora Cadiao nitong Miyerkules, Nobyembre 2 na nahaharap sa kakulangan sa suplay ng gasolina ang probinsya makaraang mailayo sa karatig-probinsya sa nasirang mga tulay dulot ng bagyong Paeng.

Kasabay ng public briefing, sinabi ni Cadiao na nasira ng matinding baha dulot ng bagyo ang tulay na nagdurugtong sa Antique patungong Aklan at Iloilo.

“We are isolated from Region 6. In the northern part of the province, the major bridge linking to the highway going to Aklan, the Paliwan bridge, was severed,” ani Cadiao.

“We were also separated from Iloilo. The vital link bridge for our commerce, the section of a bridge in Miag-ao was damaged,” dagdag pa niya.

Nagresulta ito sa problema sa suplay ng gasolina dahil ang mga trak na may karga nito o oil tankers ay hindi na makapasok sa probinsya.

“Now, our problem is not having enough gasoline supply,” aniya.

Dahil dito ay naglabas na ang Gobernador ng kautusan na “no full tank” policy sa mga gasolinahan na nagdulot ng bahagyang panic sa mga residente.

Sisikapin naman nila na maisaayos na ang tulay sa loob ng dalawang linggo. RNT/JGC