Antique niyanig ng Magnitude 4.1 na lindol – Phivolcs

Antique niyanig ng Magnitude 4.1 na lindol – Phivolcs

October 10, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


ANTIQUE – Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Antique ngayong umaga ng Lunes, Oktubre 10.

Ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saan ang sentro ng lindol ay nasa 11 kilometro timog-silangan ng Anini-y, Antique.

Pasado alas-11 ng umaga ay naramdaman ang lindol kung saan Intensity IV ang naitala sa Anini-y, Antique samantala Intensity III naman sa Tobias at Fornier, kaparehong probinsya.

Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang lindol na maaaring dulot ng paggalaw ng isang active fault malapit sa lugar.

Hindi naman inaasahan na magdudulot ito ng aftershock o alinmang pinsala. RNT/JGC