Antique niyanig ng magnitude 4.7 quake – Phivolcs

Antique niyanig ng magnitude 4.7 quake – Phivolcs

August 9, 2022 @ 1:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 4.7-magnitude na lindol sa lalawigan ng Antique nitong Martes ng umaga.

Sinabi ng Phivolcs na tumama ang lindol 16 kilometers (km) southwest ng Anini-y, Antique kaninang alas-10:52 ng umaga, at may lalim na 18 km.

Naramdaman ang Intensity IV o “moderately strong” tremor sa munisipalidad ng Anini-y.

Inilahad din ng Phivolcs na tectonic ang lindol, na nangangahulugan na dulot ito ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershock kasunod nito. RNT/SA