Antonio at Diego, sibak sa Bubble Gang; Paolo, na-retain!

Antonio at Diego, sibak sa Bubble Gang; Paolo, na-retain!

May 16, 2022 @ 5:48 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Isa si Paolo Contis sa mga na-retain sa Bubble Gang.

Pero aminado ang 38 anyos na akror na inapuntahan siya ng sobrang kaba bago ipinatupad ang balasahan sa longest running gag show sa TV.

Nawala na kasi sa ere ang kinabilangan niyang I Left my Heart in Sorsogon, pati ba naman ang programang umeere tuwing Biyernes ay mawawala pa?

Pero thankful si Paolo na hindi siya nasibak.

Ito’y kung ikukumpara sa pioneer cast member na si Antonio Aquitana at maging kay Diego Llorico.

Both started with Bubble Gang mula pa noong mag-pilot ito in October 1995.

Para kay Paolo, naghihintay lang siya ng decision mula sa management as to his next TV assignment.

Hindi raw niya naging ugali na mag-demand. Kung may offer sa kanya, sinusunggaban niya ‘yon.

Bagama’t may hatid na lungkot ang balasahan sa Bubble Gang ay kinausap naman daw ni Michael V ang mga artistang tinanggal sa show at pinagpaliwanagan.

Naniniwala raw si Michael V na tumatayong creative consultant ng show na kailangang may bago itong io-offer sa publiko dala na rin ng pabagu-bago ng panahon.

Marahil, na-retain si Paolo dahil hindi lang siya isang mahusay na komedyante kundi marunong makisama sa kanyang mga katrabaho.

‘Yun ay sa kabila ng mga negatibong isyung kinukulapol sa kanya. Ronnie Carrasco III