Apat katao binitbit sa buy-bust

Apat katao binitbit sa buy-bust

July 21, 2018 @ 3:46 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Apat katao ang inaresto ng pulisya matapos maaktuhang gumagamit ng shabu habang isinasagawa ang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kagabi.

Isinalang na sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9165 sections 5, 11, 12 at 15 sina Nicanor Vargas , 54, ng no. 711 Delpan st., Binondo ; kapatid na si Reynaldo, 56; Louie Cabwang , 31, ng no. 485 Dandan st., Tondo at Juan Carlo Mercado , 41 ng no. 302 Wagas st.,Tondo.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-Station 11 chief, Supt. Carlito Mantala,  alas 11:30 ng gabi nitong Biyernes nang isagawa ang buybust sa panulukan ng Delpan nat Penarubia  sts., sa Binondo.

Agad piansok ng pulisya ang bahay ng magkapatid nang makabili ang poseur-buyer  kung saan narekober ang P300.00 ang marked money.

Ang mga suspek ay gumamit din ng iligal na droga dahil naabutan silang magkakasama sa harap ng narekober naaluminum foil na may residue ng shabu, disposable lighters at ang 15 sachet ng shabu. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)